Nahuli sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Sto. Niño, Pagadian City, Zamboanga del Sur ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng isang sachet ng hinihinalang ilegal na droga.
Nang inspeksyunin ang dala nitong belt bag, narekober ang isa pang mas malaking sachet na pinaniniwalaang naglalaman din ng ilegal na droga.
Sa pagpapatuloy ng search operation, nakumpiska pa ang isang kalibre .45 pistol, kasama ang isang magazine at dalawang bala.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kaukulang dokumentasyon para sa kasong kinahaharap nito.
📷: via Eric Bachiller


