LALAKING NAGBEBENTA NG ILEGAL NA DROGA, ARESTADO.
Naaktuhan ang isang 42-anyos na lalaki na nagbebenta ng ilegal na droga sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa La Paz, Tarlac.

Arestado ang suspek matapos iabot ang isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang hinihintay ang commitment order mula sa korte. | via Ismael Mateo
📸: Fred Fausto


