PDEA AGENT, PATAY: TATLONG SUNDALO, SUGATAN SA OPERASYON SA TAWI-TAWI.
Nasawi ang isang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang tatlong sundalo ang sugatan matapos ang joint anti-narcotics operation sa Sitio Mapanbubu, Barangay Paniongan, Bongao, Tawi-Tawi nitong Lunes, Agosto 10.

Ayon sa mga awtoridad, nauwi sa engkuwentro ang operasyon matapos umanong manlaban ang mga target na drug suspects. Naiwan sa lugar ang ilang armas, bala, at hinihinalang ilegal na droga habang nakatakas ang iba pang suspek.


Patuloy ang manhunt operation at pinaigting ang seguridad sa buong Tawi-Tawi upang matunton ang mga tumakas na suspek. | via Ely Dumaboc
📸: PRO-BAR

