ROAD ADVISORY!
Gov. Bado Dangwa National Road – sarado sa bahagi ng Bangho, Daclan, Tublay.
Suyoc-Posos Provincial Road – hindi rin madaanan dahil sa paulit-ulit na pagguho ng lupa.
Pinapayuhan ang mga motorista na ipagpaliban muna ang pagbiyahe o gumamit ng alternatibong ruta dahil nananatiling hindi madaanan ang ilang bahagi ng mga pangunahing kalsada sa Benguet bunsod ng landslide.
Hinihimok din ng mga awtoridad ang publiko at mga operator ng pampublikong sasakyan na mag-ingat at abangan ang mga susunod na abiso bago bumiyahe.
📸: Benguet PDRRMO / Baguio Herald Express


