Nasawi ang isang 67-anyos na babae matapos masalpok ng tren ang sinasakyan niyang motorized trolley sa Barangay Pinagbayanan, Pagbilao, Quezon.
Pumailalim sa tren ang biktima at nagtamo ng matinding tama sa ulo at katawan. Sugatan din ang isa pa niyang kasama sa insidente.
Ayon sa pulisya, naganap ang aksidente sa likurang bahagi ng riles kung saan hindi umano agad nakaiwas ang biktima sa paparating na tren. | via Leslie Ann Dimaano
📸: Pagbilao MPS



