5 SUSPEK, ARESTADO SA DRUG OPERATION SA PARAÑAQUE.
Nahuli ng mga awtoridad ang tatlong lalaki at dalawang babae sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay San Dionisio, Parañaque City, nitong madaling araw ng Martes, Agosto 11.

Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 125 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱850,000, kasama ang isang 9mm pistol, magazine at apat na bala.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang limang suspek at inihahanda ang mga kasong isasampa sa kanila. | via Hannah Dulay
📸: PNP NCRPO


