Pinabulaanan ng ilang senador ang paratang ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na nakatanggap umano sila ng ₱500 milyon hanggang ₱1 bilyon mula sa tinatawag na “leadership funds.”
Sa pagdinig ng kaso ni dating Senador Bong Revilla sa Sandiganbayan nitong Agosto 12, idinawit ni Bonoan ang dating Senate President at kasalukuyang Majority Leader na si Juan Miguel Zubiri na nagtatakda umano kung magkano ang mapupunta sa bawat senador.
Isinangkot din ng dating DPWH official sina Sen. Christopher “Bong” Go, Sen. Robin Padilla, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Imee Marcos.
Itinanggi naman ito ni Zubiri at iginiit na walang mali sa mga pagbabago sa pondo kung walang korapsyon at maayos na naipatutupad ang mga proyekto. Samantala, sinabi nina Go, Padilla at Marcos na wala silang kinalaman sa naturang listahan.



