Ayon sa PAGASA, magiging maulap na may paminsan-minsang mga pag-ulan ang mararanasan ngayong Huwebes, Agosto 13, sa Zambales, Bataan, Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, the rest of Central Luzon, Camarines Norte, Aklan, Antique, at Capiz dahil sa habagat.
Habang ang Mindanao at natitirang bahagi ng Visayas ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, lumakas at naging isang tropical storm na ang Bagyong Nangka (international name) na nasa layong 2,560 silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR). Wala itong direktang epekto sa lagay ng panahon ng bansa at inaasahang kikilos ito pa-hilagang-silangan, papalayo ng PAR.



