Nangako si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na mahigpit na imo-monitor ang ₱107.4 bilyong flood control budget para sa 2027.
Matiyaga umano nilang ni-review ang mga allocation upang masiguro na ang bawat budget para sa mga proyekto ay may tamang plano.
Tiniyak din ng ahensya na babantayan nila ang bawat proyekto at hihingi rin ng tulong sa mga local government units (LGUs) upang masubaybayan ang pagpapatupad ng mga ito.
📹: John Rey Marasigan


