Natagpuan ang bungo at iba pang hinihinalang labi ng isang caregiver na walong araw nang nawawala sa Barangay Cansojong, Talisay City, Cebu.
Ayon sa pulisya, unang natagpuan ng mga residente ang bungo. Dahil dito, nagsagawa ng DNA testing upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.
Naghain din agad ng search warrant ang pulisya laban sa suspek. Sa isinagawang paghahanap, natagpuan ang iba pang hinihinalang buto ng biktima at mga bagay na umano’y ginamit sa pagpatay.
📷: Contributed photoa


