Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong inciting to sedition na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Vice President Sara Duterte.
Nag-ugat ang reklamo sa umano’y pagbabanta ng bise presidente sa buhay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez noong 2024.
Ayon sa DOJ, walang nakitang sapat na ebidensya ang mga prosecutor para maisampa ang kaso sa korte.

