“IGALANG NATIN ‘YUNG KAPWA NATIN NA LAWYER”
Hiniling ni Defense Counsel Atty. Kristine Ferrer sa Senate impeachment court na huwag kalimutan na igalang ang kapwa abogado at iwasan ang mga side comment habang isinasagawa ang cross-examination kay Xylene Del Campo, isa sa mga auditor ng Commission on Audit–Intelligence and Confidential Funds Audit Office (COA-ICFAO).
Kasunod ito ng komento ni House private prosecutor Atty. Lorna Kapunan na pinipigilan umano niyang “papaluin” si Ferrer habang nagpapatuloy ang cross-examination.
Iginiit ni Ferrer na walang lugar sa courtroom ang ganitong mga pahayag at hiniling na panatilihing maayos at magalang ang mga palitan ng magkabilang panig.
TUMUTOK SA NET25 LIVESTREAM: https://www.youtube.com/live/0rUkgcXRBTg?si=aEgV22vQXgE1YRvJ
