Isinailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Pampanga ngayong Miyerkules, Agosto 12, dahil sa pananalasa ng habagat at mga nagdaang bagyo.
Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA), umabot sa 860,076 indibidwal o 269,775 pamilya ang apektado mula sa 297 barangay at 17 local government units (LGUs).
Naitala rin ang mahigit ₱505 milyong halaga ng pinsala sa agrikultura.

