Nababahala si Senator Imee Marcos sa umano'y umiikot na kopya ng proposed framework kaugnay sa itatayong Pax Silica data hub sa Capas, Tarlac.
Ayon sa senadora naglalaman ito ng mga probisyon na labag sa Konstitusyon.
Base umano sa impormasyon ng senadora, nagsimula na itong ipaikot ng Deparment of Justice (DOJ) sa iba't ibang concerned agency at target na ma-finalize sa darating na Nobyembre.
Naghain na umano siya ng resolusyon para agad na maimbestigahan ng Senado ang mga detalye ukol sa Pax Silica. | via Mar Gabriel
