Wala nang expiration ang service credits ng mga gurong nagsisilbi sa halalan, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa ilalim ng Resolution No. 11212-A, maaari nang gamitin ng mga guro ang kanilang service credits o leave credits anumang oras matapos nilang gampanan ang kanilang tungkulin tuwing may national and local elections, Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, Bangsamoro Parliamentary Elections, special elections, plebisito, initiative, referendum, at recall elections.
Binago nito ang dating patakaran na nagbibigay lamang ng tatlong buwan para magamit ang service credits. Isinaalang-alang ng Comelec ang mga kahilingan ng mga grupo ng guro at ng Department of Education (DepEd) na alisin ang naturang limitasyon.
📸: PNA File

