Nagkaroon ng ash emission ang Bulkang Mayon kahapon, Agosto 12, bandang 6:03 p.m., ayon sa PHIVOLCS.
Sa nakalipas na magdamag, nakapagtala ng 11 volcanic earthquakes at ng 2,910 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan.
Gayunpaman, nananatili ang Bulkang Mayon sa Alert Level 2.
📽️: PHIVOLCS


