₱4.62 MILYONG HALAGA NG SMUGGLED NA SIGARILYO, NASABAT.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang 108 kahon ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo sa pamamagitan ng manhunt operation sa Barangay Kinodalan, Lebak, Sultan Kudarat.

Nasa kabuuang ₱4,620,672 ang halaga ng mga nasabat, kabilang ang 88 kahon ng Walton na nagkakahalaga ng ₱3,764,992 at 20 kahon ng Red President na nagkakahalaga ng ₱855,680.

Dinala sa pulisya ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa imbentaryo at dokumentasyon. | via Argee Buenaflor
📸: Lebak MPS


