Matapos ang halos 11 na taon, kinumpirma ni Jeongyeon ang kaniyang pag-alis sa JYPE Entertainment, ngunit mananatiling miyembro ng K-pop girl group na TWICE.
Sa isang liham na kaniyang ibinahagi sa Instagram, sinabi ng singer na handa na siyang sumabak sa panibagong yugto ng kaniyang career ngunit mananatili pa rin niyang prayoridad ang TWICE.
Samantala, inanunsiyo ng VARO Entertainment na pumirma si Jeongyeon sa kanilang agency upang ipagpatuloy ang kanyang acting career
📸: Jeongyeon / IG


