Inakusahan ng isang mambabatas si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na humingi umano ng karagdagang ₱1.15 bilyon na confidential at intelligence funds mula kay dating House appropriations chair Zaldy Co noong kalihim pa siya ng Department of Justice (DOJ).
Kabilang umano ito sa ₱1.5 bilyong kabuuang confidential at intelligence funds ng DOJ para sa 2025, kung saan ₱350 milyon ang confidential funds.
Kinuwestiyon din si Remulla ng maling paggamit ng ganoong uri ng pondo at paggamit ng mga alyas. Wala pang pahayag si Remulla kaugnay sa alegasyon.




