Permanenteng ipinagbawal ang pagdadala, paggamit at pagtatapon ng wet wipes at single-use plastics sa loob ng Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary sa Davao Oriental, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR-11).
Ipinatupad ito dahil sa paulit-ulit na pagkakatuklas ng mga naturang basura sa lugar.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ang PET bottles, sachet at disposable na kubyertos, na maaaring makasira sa kalikasan at mga pinagkukunan ng tubig.
Ayon sa DENR Region 11, mahigpit na iinspeksyunin ang mga gamit ng mga aakyat sa bundok at posibleng pagmultahin o patawan ng kaukulang parusa ang mga lalabag sa ilalim ng batas.
📷: DENR-11



