Suspendido pa rin ang P85 minimum wage increase sa National Capital Region (NCR).
Ito ay matapos pagbigyan ng Pasig Regional Trial Court Branch 152 ang hiling na writ of preliminary injunction laban sa NCR Wage Order No. 27.
Sa resolusyong pirmado ng Presiding Judge, nanindigan ang korte sa inilabas nitong resolusyon noong Hulyo na isinasaalang-alang nito ang kapakanan kapwa ng mga manggagawa at employers.
Dahil dito, hindi pa matatanggap ng mga manggagawa ang nakatakda sanang P60 para sa unang bugso ng dagdag-sahod noong Hulyo at mahigpit ding ipinagbabawal ng korte ang pagpapatupad ng NCR wage Order No. 27 habang dinidinig ang petition FOR declaratory relief.


