Nangangailangan ang Department of Education (DepEd) ng ₱235.586 milyon para sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga pampublikong paaralan na napinsala ng habagat at dalawang bagyo.
Sa kabuuang halaga, ₱34.355 milyon ang ilalaan para sa paglilinis at clearing operations sa 1,195 paaralan, habang may ₱201.586 milyon namang gagamitin para sa minor repairs ng 4,114 silid-aralan.
Sa pinakahuling datos ng DepEd, umabot sa 6,861 silid-aralan ang napinsala sa iba’t ibang paaralan. Kabilang dito ang 4,114 na bahagyang nasira, 1,393 na malubhang nasira, at 1,354 na tuluyang nasira.


