Dumaing at nanawagan ng tulong sa social media si Jennifer Metre, isang residente sa Acacia Street, Barangay Balon Anito, Mariveles, Bataan dahil sa takot na ma-trap sila sa loob ng kanilang bahay dahil sa baha.
Agad namang nailikas ang mga residenteng apektado at dinala sa evacuation center ng mga rumespondeng awtoridad.
Ang walang tigil na ulan dulot ng habagat na sinabayan ng high tide sa dagat ang naging sanhi ng mabilis na pagtaas ng tubig sa mga mabababang lugar. | via Larry Biscocho
📽️: Jennifer Metre

