Tumambad sa mga tauhan ng DPWH at LGU ang sandamakmak na lubak sa Doña Remedios Trinidad (DRT) Highway sa Baliwag City, Bulacan.
Agad itong ininspeksyon ng mga awtoridad kasunod ng mga reklamo hinggil sa kondisyon ng kalsada na maaaring magdulot ng panganib sa mga motorista at komyuter.
Kasabay nito ang isinasagawang rehabilitation at upgrading ng mga bahagi ng highway upang matiyak ang mas ligtas at maayos na biyahe ng publiko.
Kabilang din sa proyekto ang pagpapalaki ng drainage system upang makatulong na mabawasan ang matinding pagbaha sa bahagi ng DRT Highway na itinuturing na pinakamababang lugar sa naturang kalsada.
📷: DPWH | via Earlo Bringas


