Binabantayan ng mga awtoridad ang mga pumping station sa Malabon upang matiyak na tuloy-tuloy ang operasyon.
Sinusuri nila ang kondisyon ng mga equipment, supply ng krudo, at iba pang kinakailangan upang mapanatili ang operasyon ng mga ito.
Samantala, tatlong pumping station sa Malabon ang hindi pa operational. Ang mga ito ay saklaw ng DPWH-UPMO habang pinapaunlad sa ilalim ng proyektong pinopondohan ng World Bank.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa kinauukulang ahensya kaugnay ng rehabilitation at improvement ng mga pasilidad.
📷: via Manny De Luna

