Nasugatan sa ulo ang isang tauhan ng Philippine Navy matapos umanong hampasin ng baton ng mga tauhan ng China Coast Guard (CCG) noong Hulyo 20, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa ulat, lumapit ang isang bangka ng CCG sa BRP Sierra Madre at sinubukang paalisin ang mga tauhan ng PH Navy na nagsasagawa ng isang routine mission sa Ayungin Shoal. Nauwi naman ang insidente sa pisikal na komprontasyon kung saan nasira rin ang isa sa mga bangka ng Pilipinas. Agad namang nabigyan ng paunang lunas ang nasugatang sundalo.
Kinondena ng pamahalaan ang insidente at iginiit ang patuloy na pagtatanggol sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
📸: AFP




