Iniimbestigahan na ng Southern Police District ang pananakit ng pulisya sa mga tauhan ng media sa anti-ASEAN protest sa Pasay City nitong Hulyo 22.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinipigilan umano ng pulisya na makapasok sa restricted control point ang mga raliyista. Dahil dito, nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng mga raliyista at pulisya.
Inaalam pa ng pulisya ang tunay na nangyari at tiniyak na mananagot ang mga pulis na mapapatunayang lumabag sa batas.
📸: PPP


