PULIS NA GALING SA SONA DUTY, PATAY SA AKSIDENTE.
Nasawi ang isang 33-anyos na pulis nang magulungan ng isang 10-wheeler truck sa C3 Road sa Caloocan City, pasado 2:00 ng madaling araw ngayong Martes, Hulyo 28.
Batay sa paunang imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang pulis sa minamaneho niyang motorsiklo habang tinangkang lampasan ang isang trailer truck. Bumangga ito sa gilid ng sasakyan at tumumba sa gitna ng kalsada bago magulungan ng kasunod na truck.
Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Kinumpirma ng pamilya na kagagaling lamang ng pulis sa 24 oras na duty sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo at pauwi na sana sa kanilang bahay sa Caloocan nang mangyari ang aksidente.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang 37-anyos na truck driver at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property. | via Jim Tejano
📽️: Jonathan Jose



