MC TAXI RIDER, SINAPAK NG LALAKING LASING.
Sinuntok ng lasing na lalaki ang walang kalaban-labang motorcycle taxi driver habang naghihintay ng booking sa Barangay Pitogo, Taguig nitong Lunes ng madaling araw, Hulyo 27.
Sa CCTV footage ng barangay, makikitang nakahinto ang rider nang kinompronta siya ng lasing at bigla na lamang itong sinuntok sa mukha. Agad namang napigilan ng mga kasamahan ng suspek ang insidente.
Nagpa-blotter ang 25-anyos na rider matapos ang insidente. Kusa namang nagtungo sa barangay ang 21-anyos na suspek upang humingi ng tawad. Ayon sa barangay, inamin nitong nakainom siya ng alak at nadala ng emosyon.
Desidido namang ituloy ng biktima ang pagsasampa ng reklamo. Posibleng maharap ang suspek sa kasong slight physical injury. | via Jim Tejano



