Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez na halos 60% nang tapos o kumpleto ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project.
Aniya, inaasahang magkakaroon ng demonstration run sa bahagi ng linya mula Valenzuela hanggang Quirino Station pagsapit ng 2028, bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kapag natapos ang proyekto, mapapaikli nito ang biyahe mula Valenzuela City hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula isa't kalahating oras ay magiging 41 minuto na lamang.
📸: DOTr / Screengrab




