Kinondena ng Press Photographers of the Philippines (PPP) ang umano’y pangha-harass ng PNP sa beteranong photojournalists na sina Bullit Marquez at Rene Dilan habang kino-cover ang anti-ASEAN protest sa Pasay City, nitong Hulyo 22.
Nanawagan ang PPP ng mabilis at transparent na imbestigasyon at iginiit ang kahalagahan ng paggalang sa press freedom at sa karapatan ng mga mamamahayag. | via Earlo Bringas
📸: Press Photographers of the Philippines

