Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) na agad nilang aapulahin ang anumang effigy na susunugin sa mga protesta kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa PNP, makikipagtulungan sila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagbabantay sa posibleng paglabag sa Philippine Clean Air Act at iba pang kaugnay na batas pangkapaligiran.
Sa kabila nito, iginiit ng ilang protest groups na bahagi ng kanilang karapatan sa malayang pagpapahayag ang pagsusunog ng effigy bilang simbolikong paraan ng pagpapakita ng kanilang mga panawagan at kritisismo sa pamahalaan.



