Itinanggi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang alegasyon na gumamit ito ng pesticide gas laban sa mga nagprotesta sa harap ng kanilang tanggapan sa Quezon City.
Ayon sa DENR, ang nakitang mist sa lugar ay mula sa kanilang regular na defogging activity at hindi ito ginamit upang paalisin ang mga raliyista. Iginiit din ng ahensya na wala silang ginamit na kemikal para sa crowd control.
Nauna rito, inakusahan ng ilang grupo mula sa Southern Tagalog ang DENR na nagpakawala umano ng pesticide habang nagsasagawa sila ng kilos-protesta kaugnay ng kanilang pagtutol sa ilang proyekto at polisiya ng pamahalaan na umano’y nakaaapekto sa kalikasan.
📸: BAYAN Southern Tagalog


