Binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City ngayong Lunes, Hulyo 27, kasabay ng paghahatid ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa.
Sa gitna ng mahigpit na seguridad, nagtipon ang iba’t ibang grupo upang ipahayag ang kani-kanilang panawagan at pagtaya sa kasalukuyang estado ng bansa.
Para matiyak ang kaayusan at kapayapaan, nagpakalat ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 20,000 kapulisan sa iba’t ibang estratehikong lokasyon sa Metro Manila, partikular na sa mga lansangan patungo sa Batasang Pambansa.
Iginiit ng mga awtoridad na pinaalalahanan ang lahat ng nakatalagang pulis na pairalin ang patakaran ng maximum tolerance at igalang ang mga karapatang pantao ng mga raliyista habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.
Nagbabala ang PNP laban sa pagsunog ng mga effigy at sinabing makikipagtulungan sila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para aksyunan ang anumang paglabag sa pagpapanatili ng air quality sa lungsod.


