Ipinatupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang suspensiyon ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) kasabay ng full alert status para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA).
Mahigit 21,000 pulis ang ipinakalat upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila sa panahon ng SONA.



