Itinalaga ng Department of Tourism (DOT) ang P-pop kings na SB19 bilang bagong tourism ambassador’s ng bansa. Kinilala ng ahensya ang malawak na fanbase ng grupo sa iba’t ibang bansa na nakatutulong sa paghikayat sa mga dayuhan na tuklasin at bisitahin ang Pilipinas.
Ibinahagi naman ng SB19 na ipinagmamalaki nila ang bagong tungkulin at nais nilang gamitin ang kanilang musika upang maipakita ang kultura at talento ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado.
Samantala, nakatakdang maging kauna-unahang Filipino act ang SB19 na magtanghal sa Lollapalooza sa Chicago sa darating na Hulyo 31 (Manila time).
📸: SB19


