Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa pagdiriwang ng kanilang ika-112 anibersaryo ngayong Lunes, Hulyo 27.
Sa kanyang opisyal na mensahe mula sa Malacañang, kinilala ng Pangulo ang mahigit isang siglong paninindigan ng INC bilang gabay ng komunidad na nakatuntong sa pananampalataya, disiplina, at pagtutulungan.
"From your humble beginnings, you have grown into a religious institution whose presence has reached communities across the globe," pahayag ng Pangulo, kasabay ng pagbibigay-diin na ang patuloy na gawain ng INC ay paalala na ang buhay na may debosyon at integridad ay tumutulong sa pagpapatibay ng moral na pundasyon ng lipunan.
Hinimok din ni Marcos ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na magpatuloy bilang matatag na katuwang sa nation-building, kung saan ang pananampalataya at pagiging mabuting mamamayan ay naipapakita sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod at malasakit sa iba.
Tiniyak naman ng Pangulo na kaisa ng pamahalaan ang mga samahang tulad ng INC na nagpapatibay sa mga pamilya, nagtataguyod ng kapayapaan, at nagpapalawak ng malasakit sa buong bansa.
Aniya, nawa'y magsilbing inspirasyon ang okasyong habang patuloy na itinataguyod ang mga haligi ng "Bagong Pilipinas."


