Magsasagawa ang Philippine Air Force (PAF) ng cloud seeding sa Magat Dam ngayong linggo upang madagdagan ang supply ng tubig para sa irigasyon ng mga magsasaka sa Cagayan Valley.
Ayon sa pamahalaan, layunin nitong makatulong sa mga magsasakang apektado ng tagtuyot. Samantala, patuloy ding namamahagi ang Department of Agriculture (DA) ng libreng binhi at pataba sa mga kwalipikadong magsasaka.


