Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na batay sa mga datos, bumaba ang crime rate sa Pilipinas.
Ito ay matapos siyang tanungin kaugnay sa magkakahiwalay na insidente ng mga pagpatay sa isang American marine biologist, vlogger, at motorcycle taxi rider.
Hindi umano ikinatutuwa ng Palasyo ang mga krimeng naibabalita kamakailan kaya patuloy nilang pinaiigting ang seguridad, sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP).


