Huling namataan ang binabantayang low pressure area (LPA) sa katubigan ng Nasugbu, Batangas, ayon sa PAGASA.
Nananatiling mababa ang tiyansa nitong maging bagyo at may posibilidad na malusaw sa loob ng susunod na 24 oras.
Samantala, ang LPA sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ay nasa layong 1,615 km silangan ng Eastern Visayas at mababa rin ang tiyansang maging tropical depression.



