Huling namataan ang low pressure area (LPA 08f) sa layong 1,115 km silangan ng Eastern Luzon sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR). Ayon sa PAGASA, mataas ang tiyansa nitong maging bagyo sa loob ng susunod na 24 oras.
Samantala ang isa pang LPA ay nasa 295 km kanluran Hilagang-Kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte at may katamtamang tiyansang maging bagyo.
