Iimbestigahan ng Senate Committee on Basic Education ang pagpapatupad ng P67-bilyong classroom construction program sa ilalim ng 2026 national budget upang alamin kung nasaan na ang pondo at ang estado ng mga proyekto.
Kasunod ito ng pagbisita ni Sen. Bam Aquino sa Kasiglahan Village National High School at Kasiglahan Elementary School sa Montalban, Rizal, kung saan idineklara ang dalawang gusali na hindi ligtas gamitin dahil sa mga bitak at problema sa istruktura. Sa ulat ng DepEd, natapos ang mga ito noong 2013 ngunit hindi na nagamit noong 2019 at 2023.
Sa ilalim ng naturang programa, nakalaan ang P67 bilyon para sa pagtatayo ng 25,000 silid-aralan bilang tugon sa kakulangan ng classrooms sa bansa.
📸: Kasiglahan Village National High School


