Nagprotesta ang daan-daang residente ng Nanyuki sa Kenya laban sa planong pagtatayo ng Estados Unidos ng isang Ebola quarantine facility sa loob ng military base sa kanilang lugar.
Nauna nang ipinatigil pansamantala ng korte ang proyekto matapos kuwestiyunin ng mga residente ang posibleng panganib nito sa kalusugan ng publiko.



