Bumagsak sa critical low ang lebel ng tubig sa Angat Dam matapos bumaba ito sa 152.2 meter, ayon sa PAGASA.
Mas mababa ito sa minimum operating level na 156 meter at malayo sa normal na 180 meter. Dahil dito, lumitaw na ang malalawak na bahagi ng putikan sa reservoir.
Nagbabala ang PAGASA na maaari pang bumaba sa 149-meter ang lebel ng tubig sa Angat Dam kung hindi uulan sa watershed, na posibleng makaapekto sa supply ng tubig sa Metro Manila at mga karatig na lugar.
📸: Dejaño Timbol Theboy




