Sobrang tuwa ng isang jeepney driver matapos kumita ng P1,250 noong Lunes. Nagpasalamat siya sa ilan niyang pasahero na hindi na umano kinukuha ang sukli sa kanilang ibinayad na pamasahe.
“Maraming salamat sa mga pasahero na nagbayad at hindi na kinuha ang sukli. Maliit lang po iyon para sa kanila, pero para sa amin, malaking tulong na,” ani manong tsuper.
Dagdag pa niya, wala pa rin silang natatanggap na kahit anong ayuda. Umaasa na lang umano siya ng tulong mula sa mga pasahero para sa araw-araw na gastusin.

