Naharang ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tinatayang P2 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Brgy. Sta. Catalina, Zamboanga City.
Ayon sa pulisya, sakay ng isang minivan ang 11 master case at 140 reams ng mga sigarilyo. Nabigong magpakita ng kaukulang dokumento ang driver kaya agad itong inaresto.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
📷: CIDG


