Magkakaroon ng libreng sakay sa LRT-2 tuwing Miyerkules ngayong Agosto para sa mga pasaherong may National ID, bilang paggunita sa pagpirma ng Philippine Identification System Act.
Â
Saklaw ng programa ang Agosto 5, 12, 19, at 26, mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.
Â
Kailangan lamang ipakita ng mga pasahero ang physical card, digital copy, o printed copy ng kanilang National ID sa station security personnel.
Â
📷: Light Rail Transit Authority – LRT Line 2


