Nasawi ang isang 13-anyos na Grade 9 student matapos umano siyang saksakin sa dibdib ng sarili niyang kaeskwela sa Las Piñas National High School nitong Biyernes ng hapon, Hulyo 31.
Natagpuang duguan ang biktima sa labas ng silid-aralan sa ikaapat na palapag ng gusali at may tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib. Isinugod pa siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang 14-anyos na suspek habang break time. Sinabi naman ng tiyuhin ng biktima na posibleng nagsimula ang alitan nang humingi umano ng ₱10 ang suspek ngunit hindi ito napagbigyan.
Narekober ng pulisya ang isang balisong na pinaniniwalaang ginamit sa krimen. Nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang menor de edad na suspek bilang Child in Conflict with the Law (CICL).
| via Jim Tejano
📷: Southern Police District


