Inamin ng National Electrification Administration (NEA) na may ilang lokal na opisyal, kabilang ang mga mayor at kongresista, na hindi nagbabayad ng kanilang konsumo sa kuryente.
Ayon kay NEA Administrator Antonio Almeda, napipilitan ang mga electric cooperative na akuin ang mga hindi nababayarang bill, na kalaunan ay naipapasa sa mga consumer sa pamamagitan ng system loss charges.
Sinabi rin ni Almeda na personal na niyang kinakausap ang mga opisyal na may hindi pa nababayarang bill at marami na rin umano ang nagbayad matapos mapaliwanagan.
Dagdag pa niya, maaari ring putulan ng serbisyo ng kuryente ang sinumang consumer, kabilang ang mga opisyal, na patuloy na hindi nagbabayad.
📷: Philippine Information Agencya

