Naglabas ng official statement ang Las Piñas National High School matapos ang insidente ng karahasan sa pagitan ng mga mag-aaral na naganap nitong Biyernes, Hulyo 31.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad at magbibigay ng psychological first aid, psychosocial support, at iba pang kinakailangang tulong sa mga apektadong mag-aaral, guro, at kawani.
Hiniling din ng paaralan sa publiko na maging maingat sa pagpapakalat ng sensitibong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
📷: Las Piñas National High School


